Pagpapalago ng Turismo ng Pilipinas
Paano ba natin mapapalago ang turismo ng Pilipinas? May turista pa bang pupunta sa Pilipinas? Ano ba ang naitutulong ng turismo sa ating bansa? Bigyan natin ng kasagutan ang ibang mga tanong na nabanggit.
Ano nga ba ang turismo sa bansang Pilipinas? Ang mga turista na dumadalaw sa ating bansa ang nagsisilbing puhunan ng maraming Pilipino na nagsusumikap na makaangat sa buhay. Ang dami ng turismo sa isang bansa ang batayan kung gaano kasaya ang isang bansa, kung gaano ka-"adventurous" sa isang bansa, at kung gaano kaganda ang isang bansa. Ang pagdami din ng turista sa Pilipinas ay nangangahulugan din ng pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas ay nangangahulugan din ng pagtaas ng pondo para sa mga taong nangangailangan ng tulong at sa pagpapaganda na rin ng ating bansa. Dahil din sa pagtaas ng turismo ng Pilipinas ay madali din nating maibabahagi ang ating mga kultura at tradisyon na minana pa natin sa ating mga ninuno. Madali din nating maibabahagi ang mga kaugaliang Pilipino na dapat ipagmalaki ng Pilipino at mas madali din tayong makakahikayat ng iba pang bansa na bumusita sa ating bansang Pilipinas.
Ang opinyon ko bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay dapat pa nating paramihin ang ating mga natural na lugar na magiging patok sa mga turista. Dapat din nating ipakita na tayong mga Pilipino ay may sariling kultura at tradisyon na matatawag nating mga Pilipino na sariling atin.

Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin